Wednesday, November 14, 2007

Sinabawang Gulay

Naalala mo ba ito? Sumikat ang knorr commercial na ito ilang buwan ang nakalilipas. Marami sa aming opisina ang nabaliw dito. Pero dahil wala kaming cable TV, hindi ko ito napapanood. Pero salamat sa youtube.com napanood ko din ito kanina. Maaring nagtataka ka, ano ang koneksyon nito sa inuman? hmmm.... Masarap yata ito pagkatapos mo uminom. Pampababa ng tama. Pero sa totoo lang, wala lang ako magawa kaya ko ito ipopost.



Isa sa mga comments ng nakapanood sa youtube:

Dati ang churva
Wichels nilalafang.
Always na lang kinokoma

Pero ang churva
Ay yummy rin pala
Pag ineklabuhan na sya

Ma-Rainbow (Ma-Rainbow)
Ang lifenezz (Ang lifenezz)

Ma-Rainbow ang lifenezz
Sa ineklabuhang churva


***Just got this text from a friend, Gay version daw ng "Makulay ang Buhay". Come to think of it, oo may sense din kahit gay version. Hahahaha!***


Ewan ko ba pero natawa ako. Pero ako'y yayao na. Ako ay paparoon sa Manila Auto Salon. Will post pics when i get back ;)

No comments: